Lady Tams, Generals nakapuro sa 3rd place

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City).

12:45 p.m. – NU vs Ateneo (V-League finals)

3 p.m. – Ateneo vs NU (Spikers’ Turf finals)

MANILA, Philippines – Lumapit ang FEU Lady Tamaraws at Emi­lio Aguinaldo Gene­rals sa pag-okupa sa ikat­long puwesto sa Shakey’s V-League at Spikers’ Turf Collegiate Conference nang manaig sa mga nakalaban kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kumuha ang Lady Tamaraws ng 15 kills at isang block kay Bernadeth Pons, habang gu­mana rin ang laro ng ibang kakampi tungo sa 25-17, 25-17, 10-25, 25-20 panalo sa UST Tigresses.

Si Jovelyn Gonzaga ay may walong kills tungo sa 11 puntos, habang sina Honey Royce Tubino, Heather Anne Guino-o, Remy Palma at Jerrili Malabanan ay nagsanib sa 25 puntos upang hawakan ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three series.

Hindi naman nagpa­pigil si Howard Mojica para angkinin ng Gene­rals ang 25-18, 25-12, 25-14 straights sets win sa NCBA Wildcats sa Spikers’ Turf.

May 21 puntos si Mo­jica na pinaningning ng siyam na service aces at 11 kills.

Tiyak na dudumugin ngayon ang The Arena da­hil sisimulan ng mga koponan ng Ateneo at National University ang finals series.

Unang sasalang ang Lady Eagles at Lady Bulldogs sa alas-12:45 ng hapon bago laro ng Blue Eagles at Bulldogs sa alas-3.

Si Alyssa Valdez ang babandera sa Lady Eagles laban kina Jaja Santiago, Myla Pablo, Jorelle Singh at Rubie de Leon.

Show comments