Ateneo vs UST para sa huling finals slot

MANILA, Philippines – Huling upuan sa championship round ang pag-aawayan ngayon ng Ateneo Lady Falcons at UST Tigresses sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Seaason 12 Collegiate Conference semifinals sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na ika-4 ng hapon ang ikaw-o-ako na tunggalian at ang mananalo ang siyang makakaharap ng National University Lady Bulldogs sa best-of-three Finals.

Naipakita ng Tigresses na kaya nilang lumaban sa kampeonato sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera nang wakasan ang 10 sunod na panalo ng Lady Eagles sa 18-25, 25-16, 25-23, 25-22, panalo noong Linggo.

Nagtulung-tulong sina Ennajie Laure, Carmela Tunay, Marivic Meneses at Pamela Lastimosa para masabayan ang lakas ng Ateneo sa attacks nang magtabla ang magkabilang koponan sa 46-all.

Nananalig si  coach Emilio Reyes Jr. na hindi magbabago ang larong ipakikita ng UST ngayon dahil tiyak na mas pag-iibayuhin ng Lady Eagles ang kanilang laro para magpatuloy ang pagha-hangad ng kampeonato sa torneo.

Si Alyssa Valdez na nagtala ng 24 puntos, ang siyang muling ma-ngunguna sa koponan at aasa siya na babalik ang magandang suporta mula sa mga kakampi.

Isa rin sa dapat gawin ng Ateneo ay ang paglimita sa kanilang turnovers dahil sa Game Two ay nagkaroon sila ng 28 errors. (AT)

Show comments