Jeremy hindi nakilalang NBA player

CHARLOTTE, North Carolina — Nahi­rapan ang bagong Hornets’ guard na si Jeremy Lin na kum­binsihin ang isang security guard na siya ay NBA player nang magtungo siya sa Charlotte arena para mag-ensayo.

Pumirma ang 6-foot-3 na si Lin, isang Chinese-American, sa Hornets no­ong Hulyo.

Naglaro si Lin sa Har­vard at naging un­draf­ted pla­yer sa NBA Draft bago gumawa ng pangalan sa ikalawang bahagi ng 2012 season para sa New York Knicks.

Ang kanyang pagtirada sa mga big shots at double-figure scoring average ang nagbigay sa kan­ya ng taguring ‘Linsanity’.

Show comments