Clippers pinagmulta ng $250K

LOS ANGELES – Pinatawan ng NBA ang Los Angeles Clippers ng multang $250,000 dahil sa paglabag sa patakaran ng liga habang pinupursige ang muling pagkuha kay DeAndre Jordan noong nakaraang buwan.

Sinabi ng NBA na inalok ng Clippers ang dating free agent na si Jordan noong July 2 ng ipinagbabawal na potential third-party endorsement opportunity.

Sa ilalim ng league rules, ipinagbabawal ang pag-aalok ng kasunduan na may sangkot na third party para makumbinsi ang isang player.

Tumanggap siya ng $88 million, four-year contract sa Clippers matapos ang naunang pakikipagkasundo sa Dallas Mavericks.

Walang komento ang Clippers ukol sa ipinataw na multa sa kanila ng liga.

Show comments