4 gold medals pinitas ng mga junior wushu artists
(Pang-masa) - August 8, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Humakot ang Pilipinas ng apat na gold medals sa 8th Asian Junior Wushu Championships sa Xilinhot, Inner Mongolia, China.

Naidepensa ni Ken Alieson Omengan ng Baguio City ang kanyang nanquan (Southern fist) title at namayani sa nandao (curved, one sided sword) na kanyang dinomina noong 2012 para sikwatin ang da­lawang gintong medalya.

Dinuplika ni Omengan ang naturang bilang ng gold medals sa nakaraang junior continentals.

Muli ring nagdomina si Agatha Chrystenzen Wong sa taijijian 42 forms para sa kanyang back-to-back gold performance sa nasabing event na gu­magamit ng double-edged sword na sinabayan ng taijiquan movements.

Inangkin ng baguhang si Spencer Bahod ang gin­tong medalya sa taijijian 42 forms sa pre­mier wu­shu competition sa Asya para sa mga atletang may edad na 18-anyos pababa.

Nagdagdag naman si Aleca Breana Dumseng ng bronze medal sa qiangshu (flexible spear).

Magtatapos ang Asian juniors ngayong araw at hangad ng mga Filipino wushu artists na madagdagan ang kanilang mga nakamit na gintong medalya.

ACIRC AGATHA CHRYSTENZEN WONG ALECA BREANA DUMSENG ANG ASIAN JUNIOR WUSHU CHAMPIONSHIPS ASYA BAGUIO CITY DINUPLIKA INNER MONGOLIA KEN ALIESON OMENGAN SPENCER BAHOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with