LVPI opisyal na kinilala ng POC
undefined (Pang-masa) - July 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Ibinigay na ng Philippine Olympic Committee (POC)  ang kanilang basbas sa Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) para maging opisyal na National Sports Association (NSA) sa nasabing team sport.

Ang basbas ay ibinigay ng POC sa LVPI sa isinagawang General Assembly meeting noong Miyerkules sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Kinilala ang LVPI sa bisa ng re-kognisyon na ibinigay ng international volleyball body na FIVB  sa isang pagpupulong ng FIVB Board of Admi-nistration noon pang Mayo 18 sa Lausanne, Switzerland.

Binigyan pagpapahalaga rin ng POC ang ginawang pagsali ng Pilipinas sa malalaking international tournaments sa volleyball sa pangunguna ng South East Asian Games noong Hunyo para tulu-yang palitan na ang dating NSA na Philippine Volleyball Federation (PVF).

Ang opisyal na basbas sa LVPI ay magreresulta na rin upang makakuha ang asosasyong pina-ngungunahan ni Jose Romasanta ng pondo mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ngayong kinikilala na bilang NSA sa volleyball, mailalatag na ng LVPI ang mga planong programa, kasama rito ang pagbuo ng national teams at paglatag ng mga palaro sa hanga-ring tumukoy pa ng mahuhusay na manlalaro sa ibang lugar sa bansa.

ANG BOARD OF ADMI GENERAL ASSEMBLY JOSE ROMASANTA LARONG VOLLEYBALL MANDALUYONG CITY NATIONAL SPORTS ASSOCIATION PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE PHILIPPINE SPORTS COMMISSION PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDERATION PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with