Sinimulan na naman ni Floyd Sr. si Roach
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - March 20, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Matapos manahimik ng ilang araw ay nagsi-mula na namang umatake si Floyd Mayweather Sr. kahapon sa kanyang katapat na si Freddie Roach.

Mas matindi na ang palitan ng maaanghang na salita ng dalawa.

Maraming sinabi ang trainer ni Pacquiao laban kay Floyd Sr. sapul nang maihayag ang mega showdown, tatlong linggo na ang nakakaraan.

Sabi niya, “He (Floyd Sr.) gets so nervous in between rounds, he has trouble getting words out, he kind of stutters halfway through it and he doesn’t really get the information across to the fighter.”

Sinabi pa ni Roach sa mga reporters na mas gusto pa niyang si Floyd Sr. ang nasa kabilang corner sa May 2 showdown.

Ito ay dahil naniniwala siyang mas maga-ling na trainer si Jeff Mayweather, ang tiyuhin ni Floyd kaysa sa kanyang tatay.

Sa official press conference noong March 11 sa Hollywood, ipinakilala si Floyd Sr. ngunit hindi ito nagsalita.

Kahapon ay sinimulan ni Floyd Sr. ang laban kay Roach.  “He can say that all he wants to say it. You want me to tell you what Freddie wants?” sabi niya sa Mlive.com. “He wants Roger in there because he knows I’m the man.”

Ilang beses na sinabi ng nakakatandang Mayweather na gugulpihin ng kanyang anak si Pacquiao sa kanilang laban sa MGM Grand. Ipinaalala niya ang pagkaka-knockout ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez noong 2012.

“Of course, any time somebody’s been knocked ice cold like that, man, of course they can get knocked out again -- quick, fast and in a hurry,” sabi pa ni Floyd Sr. “And I’m going to tell you right now, Manny’s going to get his ass kicked and Freddie’s going to sit his ass down.”

Si Roach ay nasa corner ni Oscar dela Hoya nang labanan niya si Mayweather noong 2007 at si Floyd Sr. ang nanalo.

Noong 2009, si Floyd Sr. ay nasa kampo ni Ricky Hatton nang ma-knockout ito ni Pacquiao sa dalawang rounds.

 

FLOYD FLOYD MAYWEATHER SR. FLOYD SR. FREDDIE FREDDIE ROACH JEFF MAYWEATHER JUAN MANUEL MARQUEZ MAYWEATHER PACQUIAO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with