^

PM Sports

Jackie Chan tutulong sa bid ng Beijing

Pang-masa

BEIJING – Plano ni martial arts actor Jackie Chan na magpakawala ng isang kung fu death kick sa hangarin ng Kazakhstan na pamahalaan ang 2022 Winter Olympics.

Ito ay sa pamamagitan ng pagre-record ng kanta para sa kampanya ng Beijing.

Ang kantang “Wake up Winter” ay patutug­tu­gin sa unang pagkaka­taon sa pagbisita ng In­ternational Olympic Committee evaluation com­mittee sa Chinese ca­pital sa Marso 24-28.

Hangad ng Beijing na maging unang si­yu­dad na namahala ng Winter at Summer Olympics.

Paborito din ang Bei­jing na manalo laban sa Almaty, Kazakhstan sa paghahayag ng kandidato sa Hulyo sa IOC session sa Malaysia.

Si Chan ay nakasama din sa 2008 Beijing Olympics sa pagre-re­cord ng kantang “We are Ready” patungo sa pag­daraos ng Games.

Kinanta din niya ito sa closing ceremony.

Nakapag-record na ang 60-anyos na Hong Kong actor, director at pro­ducer, kilala sa kanyang mga high-flying stunts na na­panood sa kanyang 100 pelikula, ng ilang al­bums sa English at Can­tonese.

BEIJING

BEIJING OLYMPICS

HONG KONG

JACKIE CHAN

KAZAKHSTAN

OLYMPIC COMMITTEE

SHY

SI CHAN

SUMMER OLYMPICS

WINTER OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with