Jefferson nakahinga ng maluwag
CHARLOTTE, N.C. -- Isa sa major contributor sa Charlotte Hornets ay magbabalik na mula sa injury ngunit may isa namang mawawala.
Ganito ang nangyayari palagi sa Hornets ngayong season.
Ngunit nabunutan ng tinik ang Charlotte nang lumabas na negatibo ang resulta ng MRI ng sentrong si Al Jefferson sa right calf at tuhod.
Ayon sa Hornets, makikipagkita si Jefferson sa mga team physicians para malaman kung gaano siya katagal mawawala para mag-rehabilitate.
Sinabi ni Jefferson na hindi niya inaasahang makakalaro siya nitong Biyernes kontra sa Chicago.
‘’The quicker we can get the pain out, the quicker I can be back,’’ ani Jefferson.
- Latest