Sonsona sa undercard ng Pacquiao-Mayweather?

MANILA, Philippines - Kinakampanya ng mga rap artists at boxing figures na mapasama si Marvin “The Marve-lous” Sonsona sa undercard ng megafight nina Filipino icon Manny Pacquiao at undefeated Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2 sa Las Vegas.

Hindi pa kumpirmado kung mapapabilang ang dating WBO super flyweight champion sa undercard.

Hindi pa rin  inihahayag ng two-time Manager of the Year awardee  na si Al Haymon, ang bagong ma-nager ni Sonsona.

Si Sonsona (19-1-1, 15 KOs) ang unang Filipino na pumirma ng kontrata kay Haymon, sinasabing pinakamalakas at pinakamaimpluwensyang tao sa boxing ngayon.

Higit sa 170 boxers ang nasa pangangalaga ni Haymon, kasama dito sina Mayweather, Amir Khan, Danny Garcia at Adonis Stevenson.

Kinumpirma ni trainer Jun Agrabio na lalabanan ni Sonsona si Puerto Rican Jayson Velez ngunit hindi pa sigurado kung kasama ang labang ito sa undercard ng Pacquiao-Mayweather.

“Sonsona is in good shape and ready to fight anyone,” sabi ni Haymon.

Sina rap artists Slykane at Wilson Gavio-la ng Urban Flow, mga kaibigan ni Sonsona, ang makakasama ng 24-anyos na Filipino boxer sa naturang laban.

Si Slykane ang kompositor ng original hit song para kay Marvin na tinutugtog sa tuwing aakyat siya ng boxing ring.

 “We pray that Marvin will be part of the undercard,” sabi nina Slykane at Gaviola.

Show comments