Robinson nakipagkasundo sa Brooklyn

MANILA, Philippines – Nakipagkasundo na si forward Thomas Robinson sa Brooklyn Nets, ayon sa source ng Yahoo Sports.

Nakatakdang pumirma si Robinson, fifth overall pick noong 2012 NBA draft ng 10-day deal sa Nets  na inaasahang hahantong sa isang kontrata hanggang matapos ang season, sabi pa ng source.

Aayusin muna ni Robinson ang mga NBA wai-vers hanggang Martes.

Matapos i-trade ng Portland si Robinson sa Denver nitong Huwebes, nag-request ang kanyang agent na i-waived na lang siya dahil sa kaunting oras na available para sa kanya sa Nuggets.

Gusto munang subukan ng Brooklyn ang 6-foot-10 na si Robinson bago nila bigyan ng mahabang kontrata.

Nakapaglaro rin si Robinson sa Kings, Houston Rockets at Trail Blazers.

Ang 23-gulang na si Robinson ay nag-average ng 12 minutes sa 32 appearances para sa Blazers nga-yong season.

Show comments