Sina Pacquiao at Mayweather lang ang puwedeng sisihin
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - February 11, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sakaling hindi na naman matuloy ang banggaan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ay walang ibang dapat sisihin kundi ang dalawa.

Ito ang sinabi ni dating world light welterweight king Ricky ‘The Hitman’ Hatton kaugnay sa nangyayaring negosasyon para sa super fight nina Pacquiao at Mayweather.

“The pair of them are to blame, because it’s up to Manny and Floyd to make it happen,” sabi ni Hatton sa panayam ng BoxingScene. “I fought both of them and they don’t want to fight each other.”

Parehong nilabanan ni Hatton, ngayon ay isa nang full-time promoter, sina Pacquiao at Mayweather noong 2008 at 2007, ayon sa pagkakasunod.

Pinatulog ni Pacquiao si Hatton sa second round, habang pinigil naman ni Mayweather ang Briton sa tenth round.

Wala pang pormal na pahayag sina Pacquiao at Mayweather tungkol sa kanilang laban na nauna nang naitakda sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. (RC)

FLOYD MAYWEATHER HATTON HITMAN LAS VEGAS MANNY AND FLOYD MANNY PACQUIAO MAYWEATHER PACQUIAO PAREHONG
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with