Coach Malone, sinibak ng Sacramento

MANILA, Philippines – Sinibak ng Sacramento Kings si coach Michael Malone, ayon sa sources ng Yahoo Sports.

Ang  assistant coach na si Tyrone Corbin ang tatayong interim head coach dagdag pa ng impormante.

Kinuhang coach si Malone noong June 3, 2013 at tumapos ng 39-67  sa season. Ang kanyang kontrata ay hanggang 2015-16 season at may team option sa ikaapat na taon ng deal.

Si Corbin ang head coach ng Utah Jazz noong 2011-14. Hindi siya binigyan ng bagong contract nang matapos ang nagdaang season.

Show comments