Bosh, Thompson players of the week

NEW YORK – Napili sina Chris Bosh ng Miami Heat at Klay Thompson ng Golden State Warriors bilang mga NBA Eastern at Western Conference Players of the Week, ayon sa pagkakasunod para sa linggong Oct. 28. hanggang Nov. 2.

Si Bosh ay nag-average ng 25.7 points (third sa conference), 11.3 rebounds (third sa conference), 4.0 assists at 1.3 steals nang kanyang tulungan ang Miami sa kaisa-isang 3-0 record sa East noong nakaraang linggo. Pinangunahan niya ang Heat sa scoring, rebounding at minutes sa lahat ng tatlong games at nagposte rin siya ng dalawang double-doubles. Sa season-opening 107-95 panalo ng Miami kontra sa Washington Wizards noong Oct. 29, nagtala si Bosh ng 26 points at 15 boards at may 3-of-4 sa three-point field goal.

Pinangunahan naman ni Thompson ang buong liga sa scoring sa 29.7 ppg, sa kanyang .455 (10-of-22) sa floor at .913 (21-of-23) sa foul line. Nagtala siya ng career high na 41 points sa 14-of-18 shooting mula sa field noong Nov. 1 sa 127-104 panalo kontra sa Los Angeles Lakers. Nagtala rin si Thompson ng 29 points sa Portland noong Nov. 2 kabilang ang go-ahead shot sa huling 8.9 seconds para sa 95-90 panalo.

Show comments