Labanan para sa 3rd place

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pagkakataon ang Meralco Power Spikers na lagyan pa ng kinang ang kampan-ya sa Shakey’s V-League Season 11 Third Confe-rence sa pagbangga uli sa PLDT Home Telpad Turbo Boosters para sa ikatlong puwesto ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang tagisan ay magsisimula dakong alas-4 ng hapon matapos ang labanan ng mga collegiate teams na FEU Tamaraws at RTU Blue Thunders sa kalalakihan sa ganap na ika-2 ng hapon.

Best-of-three ang tagisan at ang mananalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa ay puwedeng iuwi ang puwesto sa Game Two sa Huwebes.

Dalawang beses na natalo ang Meralco sa PLDT sa mga iskor na 25-18, 25-21, 25-19 at  25-20, 25-14, 22-25, 16-25, 17-15 na nangyari noong Oktubre 9 at 21.

Pero maganda ang tsansa ng Power Spikers dahil nagkakaalaman na ng laro ang mga locals at ang kanilang mga imports na sina Kotruang Wanida ng Thailand at Misao Tanyama ng Japan.

Handa naman ang PLDT na harapin ang hamong ito gamit ang mga beteranong sina Ange-la Benting, Gretchel Soltones, Laurence Ann Latigay, Sue Roces at Ryzabelle Devanadera.

Wala namang itulak-kabigin sa FEU at RTU na balanse ang taglay na lakas. (AT)

Show comments