Celtics nagpakawala ng 6-players

BOSTON – Ini-waive ng Boston Celtics ang kanilang anim na players bago magbukas ang season nitong Miyerkules.

Pinakawalan ng Celtics sina  Will Bynum, Tim Frazier at Rodney McGruder nitong Lunes. Inilaglag din nila sina forwards Erik Murphy at Christian Watford at swingman Jarell Eddie.

Sa kabuuan ay may 15-players ang Celtics na haharap sa Brooklyn sa kanilang season debut nitong Miyerkules.

Si Bynum ay nakuha mula sa pakikipag-trade sa Detroit nitong buwan.

Show comments