URCC 25: Takeover sa GMA-7

MANILA, Philippines - Mapapanood ngayong Linggo ang maaksiyon na Universal Reality Combat Championship (URCC) mixed martial arts title fight sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA-7.

 Sina GMA Sports correspondent Mark Zambrano at Kapuso actor na si Rocco Nacino ang tatayong mga host ng event.

 Sa pangunguna ng ‘Father of Philippine Martial Arts’ na si Alvin Aguilar, sinimulan ang URCC 25: Takeover, ang kauna-unahan at pinakamatagal na professional mixed martial arts tournament sa Pilipinas at maging sa South Asia, noong 2002.

Kaabang-abang ang tapatan sa pagitan nina Andrew Benibe at Onyok Transmonte kung saan nakataya ang bakanteng URCC bantamweight title.

 Sa kanilang ikalawang paghaharap, determinado si Transmonte na muling talunin si Benibe,

“Yung mga nakaka-training niya, hindi kasing lakas o galing ng mga partner ko rito,”ani Transmonte.

 Samantala, buo naman ang kumpiyansa ni Benibe na siya ang mag-uuwi ng titulo sa pagkakataong ito.

 “I’ve been competing for about, nine, ten years. I’m ending my career with a belt!” ani Benibe.

 Tampok din ang laban nina Caloy Baduria at Mark Palomar, gayon din nina Chris Hoffmann at Nickson Kola para sa light heavyweight championship at lightweight championship.

Show comments