Mo Williams, tumulong sa panalo ng Wolves vs Thunder

TULSA, Okla. – Umiskor si Mo Williams ng 19 points sa 112-94 panalo ng Minnesota Timberwolves, kontra sa Oklahoma City Thunder sa exhibition game.

Nagdagdag sina Kevin Martin, Ricky Rubio at Robbie Hummel ng tig-13 points para sa Minnesota (2-2).

Hinarap ni Martin ang kanyang dating team sa kanyang  preseason debut sa  BOK Center.

Umiskor si Perry Jones ng 21 points para sa Oklahoma City (2-4). Nagtala si Russell Westbrook ng 11 points sa 23 minutes at tumapos si Serge Ibaka ng 12 points at 6-rebounds sa 26 minuto.

Show comments