National U kampeon sa UAAP girls volleyball

MANILA, Philippines - Nakarekober ang NU sa pagkatalo sa third set upang igupo ang UST, 25-21, 28-26, 26-28, 25-12 tungo sa pagkopo ng kanilang unang  UAAP girls volleyball crown sa  Adamson University Gym kahapon.

Tinapos ng  Junior Lady Bulldogs ang pagdomina sa fourth set nang ihataw ni Jennifer Nierva ang championship point na pambawi sa kanilang dalawang sunod na season na pagiging runner-up.

“This is for the kids. We are just facilitating,” sabi ni NU coach Babes Castillo.

Sa boy’s stepladder semifinals, sinibak ng Ateneo ang No. 2 na National U, 25-20, 28-26, 27-25, para itak-da ang pakikipagharap sa may thrice-to-beat advantage na University of the East sa finals na magsisimula bukas sa Adamson gym din ng alas-12:00 ng tanghali.

 

Show comments