Lady boxers nagparamdam

INCHEON, South Korea -- Magarbong binuksan ng dalawang pambatong lady boxers ng Pinas ang kanilang kampanya sa boxing competition ng Asian Games nang pulbusin nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang mga nakalaban sa Seonhak Gym kahapon dito.

Nangibabaw ang world champion na si Gabuco kay Lin Yu Ting ng Chinese Taipei, 39-37, 39-37, 38-38, sa flyweight  division habang si Petecio ay umukit ng mas matin-ding 39-37, 39-37, 40-36, panalo kay Gulzhaina Ubbihiyazova ng Kazakhstan sa lightweight division.

Babalik ang dalawang lady boxers na inilahok ng ABAP ngayong hapon para sa kanilang quarterfinal matches at maghaha-ngad ng panalo para tiyakin na ang bronze medal.

Si Gabuco ay mapapalaban kay Le Thi Bang ng Vietnam na pinagpa-hinga na si Svetlana Veglina ng Tajikistan.

Inaasahang hindi magiging problema si Bang dahil tumapos lamang ito sa ikalimang puwesto sa Myanmar SEA Games.

Mas mahirap na laban ang bubunuin ni Petecio dahil ang pambato ng China na si Junhua Yin ang siya niyang makakasukatan.

Si Yin ay isang silver medalist sa  Strandja Memorial sa Sofia, Bulgaria at naipakita niya ang angking husay matapos ang 3-0 panalo kay 2010 Asian Games silver me-dalist Tassamalee Thongjan ng Thailand.

Nakatakda ring sumalang kagabi si flyweight Ian Clark Bautista laban kay Choe Sangdon ng South Korea na asam ding makapasok sa quarterfinals. (BRM)

 

Show comments