MINNEAPOLIS -- Hindi pa nakakapaglaro sa playoffs ang Minnesota Timberwolves sa nakaraang 10 taon at nai-trade na ang kanilang star player para makipagtulungan kay LeBron James na bigyan ng NBA crown ang Cleveland Cavaliers.
Matapos dalhin si Kevin Love sa Cavaliers kapalit nina Andrew Wiggins, Anthony Bennett at Thaddeus Young, nakabenta ang Timberwolves ng higit sa 300 full season-ticket packages noong nakaraang linggo.
Tinalo nito ang dating record noong 2011 nang ihayag ni Ricky Rubio na maglalaro siya para sa Minnesota.
“The organization, from president-level on down has just been re-energized,” pahayag ni Timberwolves senior vice president at chief revenue officer Ryan Tanke sa pangyayari. “Part of it is hope, and you have this great new hope.”