Ayaw nang patagalin ng Phil. Army

LARO BUKAS

(The Arena, San Juan)

2 p.m. – PLDT vs Air Force (for third place)

4 p.m. – Army vs Cagayan Valley (championship)

 

MANILA, Philippines - Aminado si Cagayan Valley coach Nes Pamilar na kung gusto nilang makapuwersa ng Game Three laban sa Philippine Army ay dapat silang rumesbak bukas sa Game Two sa kanilang Shakey’s V-League Season 11 Open Conference title duel sa The Arena sa San Juan City.

Nadismaya si Pamilar, iginiya ang Rising Suns sa 16-game sweep patungo sa pagkopo sa korona noong nakaraang taon, sa kanilang malamyang reception at net defense na nagresulta sa kanilang 19-25, 25-18, 25-18, 5-25 pagyukod sa Lady Troopers sa Game One noong Linggo.

Hindi rin siya masaya sa tuluyang pagsuko ng kanyang koponan sa fourth set kung saan sila nalimita sa record-low output.

“Masama ‘yung reception namin at yung net defense namin parang on and off,” pahayag ni Pamilar.

Nakatakda ang Game Two bukas ng alas-4:00 ng hapon.

Kung makakatabla ang Cagayan sa Army ay itatakda ang Game Three sa Setyembre 7.

Hindi naman nininerbiyos si Pamilar dahil hindi umano natatakot ang Rising Suns sa Lady Troopers.

Ipinakita ito ng Caga-yan sa second set kung saan nila naitabla ang laro sa 1-1.

Ngunit inangkin naman ng Army ang dalawang sunod na sets. (RC)

Show comments