Bagatsing Racing Cup tampok sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Ang annual Bagatsing Racing Cup ang tampok ngayon sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Shakey’s Malate.

Para talakayin ang Aug. 17 racefest sa public sports program na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at handog ng Shakey’s, Accel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation ay sina Manila Jockey club president  Atty. Alfonso Reyno, Congressman Amado Bagatsing at Atty. Ramon Bagatsing.

Ang isa pang bahagi ng session ay ang officials ng Inter Scholastic Athletic Association (ISAA) sa pamumuno ni president Melanie Florentino ng Feati na tatalakay ng ika-anim na season ng liga na magbubukas sa Aug. 6 sa Astrodome.

 

Show comments