Pacquiao at Cotto sabay na magsasanay sa training camp?

MANILA, Philippines - Kung maaari ay iniisip ni chief trainer Freddie Roach na pagsanayin sa isang training camp si­na Manny Pacquiao at Mi­guel Cotto.

Plano ni Roach na mag­­tayo ng training camps sa Manila at sa Ge­neral Santos City para ki­na Pacquiao at Cotto.

Ngunit nilinaw ni Roach na hindi magsasa­nay nang sabay sina Pacquiao at Cotto.

“I would separate the times of the workouts. Because Miguel’s always on time and Manny’s always late,” wika ni Roach.

Naglaban na sina Pac­quiao at Cotto noong 2009 kung saan tinalo ng Filipino world eight-division champion ang Puerto Rican para agawin ang suot nitong World Bo­xing Organization (WBO) welterweight crown via 12th-round stoppage.

Sinabi ni Roach na ita­tanong pa niya kay Cotto kung gusto nitong su­ma­bay sa pagsasanay ni Pacquiao.

“I haven’t talked to Mi­guel about it yet, but he likes traveling a little bit,” wika ng five-time Trainer of the Year awardee.

Si Roach ang kasalukuyang trainer ni Cotto.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang ha­wak na WBO welterweight crown laban kay Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

Ito ang ikalawang sunod na laban ni ‘Pacman’ ngayong taon matapos resbakan si Timothy Brad­ley, Jr. sa kanilang re­match noong Abril para ba­wiin ang WBO welterweight belt.

Kamakailan ay nagsu­mite ang 35-anyos at 5-foot-6 na si Pacquiao ng kan­­yang aplikasyon para sa darating na 2014 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Agosto 24.

Si Pacquiao ay nauna nang hinirang ng Kia Motors bilang kanilang head coach sa darating na 40th season ng PBA.

Matapos naman talu­nin si Sergio Martinez pa­ra sa WBC middleweight title ay wala pang na­ita­takdang laban para kay Cot­to.

Show comments