Kumpletos rekados ang summer league stint ni Wiggins

LAS VEGAS – Maraming natikman si Andrew Wiggins sa kanyang isang linggong pa-nanatili sa Las Vegas.

Maka-teammate si LeBron James: Check.

Isinisigaw ng mga fans ang kanyang pangalan sa tuwing may laro ang Cleveland summer-league team: Check.

Highlight-reel dunks matapos iwanan ang mga bantay: Check.

Balitang iti-trade: Check.

Madaming nangyari sa unang kabanata ng kwento ng No. 1 overall draft pick na sinimulan ng balitang babalik si James sa Cavaliers at tinapos niya ang bali-balitang hindi siya tatagal sa Cavaliers.

“It’s been a great experience, getting to play, building the chemistry of the team,’’ sabi ni Wiggins, na inaasahang pi-pirma ng rookie contract anumang araw.

Nag-average si Wiggins ng 15.5 points per game sa Las Vegas para sa Cavaliers sa kanyang 41 percent shooting.

Show comments