Knights, Heavy Bombers asam ang ikalawang sunod na panalo

MANILA, Philippines - Tatlong koponan na mag­kakasalo sa ika-lima hanggang ikawalong puwesto ang magbabalak na umangat sa 90th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Ang host Jose Rizal University Heavy Bom­bers at Letran Knights ang unang magtutuos nga­yong alas-2 ng hapon ba­go sumabak ang Lyceum Pirates  kontra sa wala pang panalong Mapua Car­dinals sa alas-4 ng ha­pon.

Ang Heavy Bom­bers, Knights at Pirates ay kasalo ng pahingang Emilio Aguinaldo College Generals sa 1-2 ba­raha.

Parehong galing sa pag­­lilista ng unang pana­lo ang Jose Rizal at Letran sa huling laro.

Pinutok ng Hea­vy Bom­bers ang dalawang su­nod na kabiguan sa 69-61 pana­lo sa St. Benilde Blazers, habang ang Knights na pu­mangalawa sa liga sa huling dala­wang taon ay nag­wagi naman sa Cardinals, 79-67.

Sina Philip Paniamogan, Michael Mabulac at Bernabe Teodoro ang muling aasahan ng Jose Rizal.

Ang mga beteranong sina Kevin Racal at Mark Cruz ang mga mamumuno sa Letran upang makabangon ma­tapos matalo sa unang dalawang laro.

Sina Racal at Cruz ay tumapos taglay ang 24 at 23 puntos para pigilan ang sana ay pinakamasamang panimula ng Knights sa hu­ling tatlong taon.

Paborito naman ang Ly­ceum sa Mapua na hin­di pa nakakatikim ng panalo matapos ang tatlong laro.

Galing sa 68-84 pagkatalo ang Pirates sa four-peat champions na San Beda Red Lions sa huling asignatura kaya’t hanap nila ang manalo uli para hin­di malaglag pa sa stan­dings.

Hindi puwedeng magkumpiyansa ang Lyceum dahil nakitaan ng magandang laro ang Mapua kontra sa Letran at pihadong mas hahamunin ni coach Fortunato Co ang ka­kayahan ng kanyang mga bataan para maalis na sa huling puwesto sa li­ga.

 

Show comments