James pumirma ng two-year deal sa Cavs

CLEVELAND -- Una ay nakuha ng Cavaliers ang salita ni LeBron James.

Ngayon ay ang kanyang lagda.

Pumirma si James ng isang two-year, $42.1 million contract sa Cavs isang araw matapos ang kanyang pahayag na babalik siya sa  Cleveland para wakasan ang 50-year championship drought ng koponan.

Kasama sa kontrata ng four-time league MVP ay ang opsyon para maging free agent sa susunod na season.

Sa paglagda ng dalawang taon, maaaring ma­ka­kuha si James ng panibagong kontrata sa Cavs bago ang 2016-17 season kung saan ang bagong television deal ang magpapataas sa maximum salary.

 

Show comments