Argentina, Germany naghahanda na

Schedule

July 13- Sunday (Brasilia)

Brazil vs Netherlands

July 14 - Monday

(Rio de Janeiro)

Germany vs Argentina

 

MANILA, Philippines - Kapwa naghahanda na ang Argentina at Germany nitong Huwebes para sa World Cup finals.

Ang kanilang magkaibang style ang inaasahang magdudulot ng klasikong laban sa pagitan ng European at South American teams.

Sina Lionel Messi at ang kanyang Argentina teammates ay nagsagawa ng light workout sa pagbabalik nila sa  kanilang base camp sa Belo Horizonte matapos ang dramatikong penalty shootout win kontra sa Netherlands noong Miyerkules.

Sumama si Argentina winger Angel Di Maria sa training session at umaasang makakalaro siya matapos magtamo ng injury sa binti.

Pinipilit ni  Di Maria na maging handa para sa laro bagama’t malaking tulong na nakarekober na si striker Sergio Aguero mula sa muscle strain, para sa Argentina.

Nagsanay na rin ang Germany sa tagong base camp sa Santo Andre matapos ang 7-1 paglampaso sa host country na Brazil noong Martes.

Pinayagan nang lumaro si defender Mats Hummels  matapos sumailalim sa treatment para sa kanyang injury sa tuhod na dahilan para ‘di ito makalaro sa second half sa laban kontra sa Brazil.

Ang pinakamalaking hamon sa Germany ay kung paano pipigilan si Messi na markado sa torneo.

Show comments