6-golds sa Team Pacquiao

DIGOS City , Philippines  – Sinikwat ng home team na Pacman-Digos City ang overall title sa pagtiklop ng PLDT-ABAP National Amateur Boxing Championships.

Sa kabuuang 17 fighters na isinabak ng dalawang home squads na suportado ni boxing superstar Manny Pacquiao, anim dito ay nanalo ng gold medal, tatlo ang kumuha ng silver at walo ang nagbulsa ng bronze.

Tumapos naman sa ikalawang posisyon ang Cagayan de Oro sa naiuwing 4 gold, 1 silver at 4 bronzes kasunod ang Cebu City na may 3 gold at 2 bronzes,

Ang mga Team Pacman gold medalists ay sina Gaidyl Reducto (School Girls paperweight/44kgs);Jericho Sahohito (Jr. Boys light flyweight/46kgs); Ranjo Gil Napoles (Jr.Boys lightweight/60kgs); Jean Minguillan (Jr. Girls pinweight/46kgs); Ryan Moreno (Youth Boys pinweight/46kgs); at John Paul Bentoso (Youth Boys light flyweight/49kgs).

Show comments