Unang panalo ng Quitek Willy para sa buwan ng Hunyo

MANILA, Philippines - Nakatikim rin ng panalo ang Quitek Willy sa bu­wan ng Hunyo nang pagharian ang class division 1 race noong Biyernes sa Santa Ana Park sa Naic, Ca­vite.

Si Jessie Guce ang siyang pinagdiskarte sa kaba­yong dating hinawakan nina AB Serios at WC Utalla upang makumpleto ang pag-angat ng kalidad na nasilayan sa buwang ito.

Bago ito ay tumapos muna ang Quitek Willy sa ika­apat na puwesto sa paggiya ni Serios.

Paborito ang nanalong kabayo, habang ang deha­dong Sir Jeboy ni MV Pilapil ang siyang pumanga­lawa sa karerang pinaglabanan sa 1,­200-metro distansya.

Ang hindi inaasahang datingan ng dalawang ka­bayo ay naghatid ng P1,127.50 dibidendo sa forecast matapos ang P13.00 dibidendo sa win.

Kuminang din ang kabayong Escopeta sa pagdadala ni Jordan Cordova at lumabas bilang pinakaliya­madong nanalo sa pagtatapos ng dalawang araw na pis­ta sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI).

Paborito ang Escopeta matapos ang pangalawang pu­westong pagtatapos noong Hunyo 21 at tinalo nito ang Huffle Puff na hawak ni Guce.

May P7.00 ang ibinigay sa win, habang P18.50 ang ipinasok sa 3-6 forecast.

 

Show comments