Atienza deputy sec-gen ng SEABA Board

MANILA, Philippines - Nahalal  ang kinatawan ng bansa na si Bernie Atienza, Samahang Basketbol ng Pilipinas Deputy Executive Director, bilang deputy secretary-general sa SEABA Board sa ginanap na 7th SEABA Congress noong June 1 sa Jakarta, Indonesia na dinaluhan ng 7-bansa.

Si Erick Thohir (Indonesia) at Dato’ Yeoh Choo Hock  (Malaysia) ay nare-elected bilang president at secretary-general para sa 2014 – 2019 period.

Isa sa naging agenda ay ang bagong konsepto ng ASEAN Basketball Festival na inaaasahang magsisimula sa 2015.

Ang lahat ng delegado  ng mga bansang dumalo -- Cambodia, Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, and Vietnam ay sumuporta  sa  event na ito.

Sa naturang festival, magkakaroon ng kompetisyon sa regular  basketball and 3x3 basketball, na lalahukan ng  mga National team ng bawat  SEABA  country members.

Show comments