SMBeer nalo sa San Mig

MANILA, Philippines - Isang krusyal na agaw ni import Reggie Williams kay Marqus Blakely sa huling apat na segundo ng laro ang nagpreserba sa 92-90 panalo ng San Miguel Beer kontra sa nagdedepensang San Mig Coffee sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ay matapos imintis ng NBA veteran na si Williams ang kanyang dalawang free throw sa natitirang 5.6 segundo.

Tumapos si Williams na may 29 points para sa ikalawang panalo ng Beermen, habang humakot si 6-foot-10 June Mar Fajardo ng 18 points at 18 rebounds.

Nagdagdag si Ross ng 15 points kasunod ang 13 ni Arwind Santos para sa Beermen.

Sa unang laro, kumamada ang Rain or Shine sa second half para gibain ang Globalport, 119-97, at makabangon sa kanilang 0-2 panimula.

Umiskor si 2011 Best Import Arizona Reid ng gam-high 30 points para sa Painters kasunod ang 19 ni Jeff Chan, 17 ni Paul Lee, 13 ni Larry Rodriguez at 11 ni Ryan Araña.

 

Show comments