Miami bumawi

INDIANAPOLIS – Sinunod nina LeBron James at Dwyane Wade ang lumang script noong Martes ng gabi.

Nang malagay sa pa-nganib ang Miami, mu-ling iniligtas ng All-Star duo ang Heat.

Si James ang kumamada ng unang anim na puntos sa pinakawalang 12-2 atake at nakipagtambal kay Wade para sa huling 20 produksyon ng Miami patungo sa kanilang 87-83 panalo laban sa Indiana Pacers at itabla sa 1-1 ang kanilang Eastern Confe-rence Finals.

“That’s why they’re the hundred million dollar guys,” wika ni teammate Norris Cole. “They’re unstoppable. They make the game easy for everyone else when they’re in attack mode.”

Hindi napigilan ng Pacers ang ratsada nina James at Wade sa huling 12 minuto ng laro.

Ipinasok ni Wade, tumipa ng 13 points sa 41-point first half ng Heat, ang kanyang huling 10 points sa fourth.

Humugot naman si James, tumapos na may 22 points, ng 12 sa final canto. Nagtuwang sina James at Wade para iligtas ang Miami sa 0-2 deficit sa unang pagkakataon matapos noong 2010 first round playoffs.

Dinuplika naman ni Lance Stephenson ang kanyang playoff career high sa ginawa niyang 25 points sa panig ng Pacers.

 

Show comments