Power Pinays ‘di umubra sa Japan team

MANILA, Philippines - Nakalasap ang PLDT Home TVolution Philip­pines ng 25-7, 25-13, 25-12 kabiguan sa mga ka­may ng title contender na Hisamitsu Spring Japan na tuluyan nang nagpa­talsik sa kanila sa 2014 Asian Women’s Club Vol­leyball Championship sa Nakhon Pathom, Thailand.

Dahil dito, lalaban na lamang ang Power Pi­nays, nakapasok sa quarterfinals nang pumang-anim sa six-team Group B bitbit ang 2-3 (win-loss) record, sa consolation pool kung saan posible silang pu­muwesto sa pang-lima hanggang pang-walo.

Hangad ng Power Pi­nays na malampasan ang seventh-place finish ng Power Pinoys sa nakaraang Asian Men’s Club Cham­pionship na idinaos sa MOA Arena sa Pasay Ci­ty.

Lalabanan ng Power Pi­­nays ang matatalo sa pa­­gitan ng Zhetyssue Almaty Kazakhstan at Lien Viet Post Bank Vietnam.

Show comments