South Gas Club winalis ang Group A

MANILA, Philippines - Nakitang muli ang husay ni Bulga­rian import Aleksandaron Amaniev Me­todi para sa South Gas Club Sports ng Iraq nang pamunuan ang 25-12, 25-17, 23-25, 25-15 pa­nalo laban sa Altain Bars ng Mongolia group eli­mination sa 2014 Asian Men’s Club Volleyball Championship kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Tumapos si Metodi na may 19 kills at 7 service aces para sa 26 puntos, ha­bang sina Ga­ni Hussein Mustafa at Nas­ser Aseel Jameel ay may pi­nagsamang 22 puntos pa­ra sa 2-0 marka ng Iraq sa Group A sa ligang handog ng PLDT Home Fibr at inorganisa ng Sports Core.

 

Show comments