Parks nagbida sa panalo ng NLEX

MANILA, Philippines - Gumawa ng 15 puntos si Bobby Ray Parks para sa kanyang bagong koponan na NLEX Road Warriors upang tulungan ito sa 88-67 demolisyon sa Cafe France Bakers sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym.

Napunta si Parks sa Road Warriors nang hindi na sumali ang National University-BDO sa nasabing conference, pinalakas lalo ng 6’4” kaliweteng manlalaro ang arsenal ng multi-titled team para umusad sa 4-0 karta.

May 23 puntos si Ro­nald Pascual habang sina Garvo Lanete at Kevin Alas ay may 15 at 11 para katampukan ng mga shooters ang laro ng NLEX na hindi nakasama ang coach na si Boyet Fernandez at mga San Beda players dahil tumulak ang mga ito sa Lithuania para sa pagsasanay.

“Ray Ray Parks gave us a lift, but I thought it was a total team effort,” wika ni Mon Celis na siyang dumiskarte sa koponan.

Ikalawang kabiguan matapos ang apat na laro ang nalasap ng Bakers na hindi naramdaman ang 47-44 kalamangan sa rebounding dahil nagtala lamang ng 35 percent shooting sa laro.

Nagpakawala ng three-pointer si Joseph Terso sa huling 23 segundo para itulak ang Hog’s Breath Cafe Razorbacks sa 99-95 panalo sa overtime sa Boracay Rum Waves.

Samantala, pinagmulta ng P150,000.00 ni commissioner Chito Salud ang Big Chill dahil sa partial walkout na ginawa sa laro noong Lunes sa JCSGO Gym. (AT)

NLEX 88 - R. Pascual 23,  Lanete 15, Parks 15, Raymundo 6, Ganuelas 5, Dela Rosa 4, Alas 3, J. Pascual 2, Hermida 0, Del Rosario 0, Bonsubre 0, Pangilinan 0.

Café France 67 - Abundo 19, De Leon 17, Ebondo 11, Sedurifa 6, Cortez 5, Opiso 2, Montilla 2, Banua 2, Jeruta 0, Gallardo 0, Batino 0, Mutombo 0.

Quarterscores: 19-6, 49-23; 68-42; 88-67.

Hog’s Breath Cafe 99 - Sanga 17, Terso 16, Ruaya 13, Rios 12, Austria 9, Belencion 7, Gabawan 6, Najorda 4, Robles 3, Avillanoza 3, Macasaet 0.

Boracay Rum 95 - Belo 22, Banchero 19, Taha 9, Caperal 9, Sabelina 6, Bautista 5, Lingganay 5, Ilagan 5, Rono 5, Ignacio 2 , Siruma 2, Eguilos 0, Tagarda 0.

Quarterscores: 20-13; 34-30; 58-61; 86-86; 99-95.

Show comments