Irving lalaro na vs Orlando?

CLEVELAND – Tapos na ang trabaho ni  Kyrie Irving bilang part-time cheerleader dahil magbabalik aksiyon na ito.

Nakipag-ensayo na si Irving sa Cavaliers nitong Martes sa unang pagkakataon matapos ang dalawang linggo na ‘di lumaro ng 8-games dahil sa biceps injury.

“I fell good,” pahayag ni Irving. “It was great to be back out there. It was definitely hard for me these last two weeks just sitting on the bench. But as always, if I go down, I’m the biggest cheerleader.”

Hindi pa sigurado si Irving kung lalaro na siya nitong Martes sa Orlando na isang mahalagang laro para sa Cavs na naghahabol sa playoffs.

Magso-shootaround muna siya bago konsultahin ang medical staff kung puwede na siyang lumaro.

Show comments