^

PM Sports

Maghahanap ng solusyon ang PSC

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hahanapan ng solus-yon ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng National Sports Associations (NSAs) ang matagal nang problema sa liquidation sa perang itinulong ng Komisyon.

Si PSC chairman Ricardo Garcia ang siyang mangunguna sa PSC sa pakikipagpulong sa mga NSAs na may ganitong problema upang maayos ito at  hindi maapektuhan ang paghahanda ng Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea sa Set-yembre at sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Ang pagpupulong ay gagawin bukas (Miyerkules) ng umaga  at nananalig si Garcia na mahahanapan na ito ng lunas para makapagpalabas ng tulong pinansyal ang ahensya.

Pinagbawalan ng Commission on Audit ang PSC na ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga NSAs na may unliquidated accounts at binalaan si Garcia na siya ang mananagot nito kung  ipagpapatuloy ang pagtulong.

“Hindi ko maintindihan kung bakit hirap ang mga NSAs na mag-liquidate ng pera mula sa PSC dahil re-sibo lamang ng pinaggastusan ang kanilang kailangan para malinis ito,” wika ni Garcia.

Ang perang inilabas lamang sa panahon ng Garcia administration ang siyang ipinali-liquidate ng PSC at ito ay nagkakahalaga pa ng P32,153,033.25.

Ang halaga na ito ay pinagsamang pera na ibi-nigay sa 34 NSA mula Mayo 23, 2005 hanggang Marso 26, 2014.

Ang may pinakama-laking unliquidated account ay ang judo  na nasa P4,022,748.47.

 

ASIAN GAMES

GARCIA

HAHANAPAN

INCHEON

KOMISYON

MARSO

MIYERKULES

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with