White pinapirma ng 10-day contract ng Sacramento

SACRAMENTO, Calif. – Pinapirma ng Sacramento Kings si forward Royce White ng 10-day contract.

Agad na inilagay ng Kings si White sa Reno Bighorns sa NBA Development League nitong Huwebes. Nakuha si White sa draft bilang 16th overall ng Houston noong 2012 ngunit hindi lumaro para sa Rockets matapos hindi magkasundo ang magkabilang panig ukol sa kanyang anxiety disorder kabilang ang takot sa pagsakay ng eroplano.

Hindi nakasali si White sa training camp at sinuspindi ng Rockets noong January 2013 matapos niyang tanggihan ang paglalaro sa Rio Grande Valley sa D-League.

Na-trade ng Rockets si White sa Philadelphia noong July at lumaro sa 76ers sa preseason bago siya ini-waive.

Ang dating Iowa State standout ay nag-average ng 11.4 points, 5.7 rebounds at 3.3 assists sa 16 laro sa Rio Grande Valley.

 

Show comments