Team Philippines maaaring magdomina sa Group A

MANILA, Philippines - Lumakas ang pag-asa ng Pilipinas ukol sa kampanya nito sa tinatawag na ‘favorable group’ matapos ang idinaos na dra­wing of lots para sa 2014 PLDT HOME Fibr Asian Men’s Volleyball Club Cham­pionship (AMCC) no­ong Biyernes sa New World Hotel.

Nakaiwas ang Filipino spikers na kaagad maka­la­ban ang mga Asian hea­vy­weights sa pagka­ka­­sama nila sa grupo ng Iraq, Kuwait at Mongolia sa Group A ng nasabing 18-team tournament na na­katakda sa Abril 8-16.

Ang Group B ay binu­buo ng mga regional po­wer­houses na Iran at Japan bukod pa sa Lebanon at Vietnam, habang na­sa Group C ang 2013 runner-up Qatar, Kazakhs­tan, Oman, Hong Kong at Tur­mekistan.

Inaasahang magdodo­mina ang matatangkad na Chinese kontra sa United Arab Emirates, India, Pa­pua New Guinea at Chinese Taipei sa Group D.

Ang magkakampeon ang makakakuha ng tiket pa­ra sa International Volleyball Federation World Club Championships sa Betim, Brazil sa Mayo.

Si Asian Volleyball Con­federation (AVC) exe­cutive vice-president Shan­rit Wongprasert ang na­nguna sa drawing of lots kasama ang mga am­bas­sadors at dignitaries ng United Arab Emirates, Lebanon, Kuwait at Iraq.

Nasa okasyon rin sina AMCC organizing com­mit­tee chairman Philip El­la Juico, Philippine Vol­leyball Federation pre­sident Karl Chan at PLDT vice president and head of HOME broadband Gary Duvali.

“This is the beginning of the renaissance of Phi­lippine volleyball in the international arena,” pa­hayag ni Juico, ang da­ting chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) sa torneo. “And a successful hosting of this tournament will forma­lize our return in the in­ternational volleyball cir­cuit.”

Show comments