Bynum lumaro na sa Indiana

INDIANAPOLIS -- Naglaro na si Andrew Bynum sa Indiana Pacers sa unang pagkakataon matapos pumirma ng kontrata noong isang linggo.

Sumali si Bynum sa shootaround ng Pacers sa Bankers Life Fieldhouse noong Biyernes ng umaga bilang paghahanda sa kanilang laro ng Portland Trail Blazers kinagabihan.

Ang snowstorm ang nagkait sa 7-foot center na makarating sa Indianapolis.

“We’ll come back from the All-Star break and see how practices go over the next week or two after that before we decide if he’s ready,” sabi ni coach Frank Vogel.

 

Show comments