_pang-masa
^

PM Sports

10th UAAP boys’ title sinikwat ng UE

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magaang na tinalo ng University of the East ang National University, 25-17, 29-27, 25-22, para ang­kinin ang kanilang ika-10 sunod na UAAP boys’ volleyball crown no­ong Miyerkules sa UE-Ca­loocan Gym.

Itinala ng Junior Warriors ang league-best na 13 boys championships matapos kumpletuhin ang pagwalis sa kanilang best-of-three finals series ng Bullpups.

Kumpara sa kanilang 23-25, 25-15, 25-18, 23-25, 15-13 panalo sa Game One noong Sabado, mas nakontrol ng UE ang laro mula sa pagkamada ni Ed­ward Camposano.

Nakamit ni Camposa­no, naglaro sa kanyang hu­ling season para sa Ju­nior Warriors, ang kanyang ikaapat na sunod na Most Valuable Player plum.

Nakamit rin ni Cam­po­sano ang Best Attacker award.

Hinirang naman ang kanyang mga kakamping sina Adrian Imperial at Ron Medalla bilang Best Setter at Server awards, ayon sa pagkakasunod.

Si Armel Amuan ng NU ang kinilalang Roo­kie of the Year, samantalang sina Kim Adriano at Manuel Sumanguid ang tinanghal na Best Blocker at Best Libero.

Si Richmond Crisos­to­mo ng third placer na Ate­neo ang naging Best Receiver.

Binigo naman ng University of Santo Tomas ang NU, 28-26, 25-17, 18-25, 20-25, 15-13, sa Game Two at itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three title series para sa girls’ crown.

Nakatakda ang Game Three sa Linggo.

ADRIAN IMPERIAL BEST BEST ATTACKER BEST BLOCKER BEST LIBERO BEST RECEIVER BEST SETTER GAME ONE SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with