100-Islands Ultra Marathon, Surfing tatalakayin sa PSA

MANILA, Philippines - Ang mga organizers ng unang international surfing competition sa bansa ay magbibigay ng update sa special event sa pagpapatuloy ng lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.

Para pag-usapan ang competition na tinaguriang ‘Beach Break’ sa session na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918, panauhin sina VR Del Rosario at Mike Ochosa na kumakatawan ng Viva Sports Management Inc., at Buji Libarnes na kinokonside-rang isa sa top surfers sa bansa ngayon.

Ang isa pang bahagi ng forum na handog ng Shakey’s, Philippine Amusement and Gaming Corporation at Accel ay ang 1st Hundred Islands 100-kilometer Ultra Marathon Challenge na tatalakayin nina Alaminos Mayor Arthur Celeste at Alaminos 100 president Jones Campos.

 

Show comments