CUBAN pinagmulta ng $100K

NEW YORK – Pinagmulta si Dallas Mavericks owner Mark Cuban $100,000 dahil sa kanyang pagkompronta sa mga referees at pagsasalita ng hindi maganda laban sa kanila.

Kinumpirma ito ni Cuban sa kanyang Twitter feed at sinabi niyang makakapag-paalam siya kay  Commissioner David Stern bago ito umalis.

Pumasok si Cuban sa court at pinagmumura ang mga referees matapos sayangin ng Mavericks ang 17-point lead  sa huling 5 minuto ng kanilang 129-127 pagkatalo laban sa Los Angeles Clippers nitong Miyerkules.

Nag-tweet siya na ido-donate niya ang parehong halaga sa charity kapag umabot na siya sa 2 million followers sa Twitter na malapit na rin niyang maabot.

Umabot na sa kabuuang $1.5 million ang multa ni Cuban sa NBA.

Show comments