Premyong P900,000 nakataya para sa Don Juan Derby sa Klub Don Juan Racing Festival

MANILA, Philippines - Apat na malalaking ka­­rera ang magpapakinang sa 2013 Klub Don Juan de Manila Racing Festival ngayon sa Metro Turf sa Malvar Batangas.

Ang tampok na karera ay ang Don Juan Derby na lalahukan ng apat na bi­gating kabayo na tatakbo sa 2,000-metro distansya.

Halagang P900,000.00 ang unang premyong pag­lalabanan at ang mga ka­sali ay ang Basic Instinct, Sky Dragon, Boss Jaden at Be Humble.

Ang iba pang KDJM stakes ay para sa fillies at colts at ang Don Antonio Floirendo Sr. Golden Girls.

Mangunguna sa mga fil­­lies ang paboritong Kukurukuku Pa­loma, habang ang Young Turk naman ang mag­ta­tangka ng pana­lo sa colts.

Ang tatlong karerang ito ay nilagyan ng prem­yong tig-P500,000.00 at ang ma­nanalo ay makakatanggap ng gantimpalang P300,000.00.

Ang isa pang mala­king ka­­rera ay ang Philracom Lakambini Stakes na inilagay sa 1,800-metro ka­rera at pinasigla ng P1.5 mil­yong premyo na handog ng Philippine Racing Commission.

Ang ibang mga karera ay sinahugan din ng mga added prizes para matiyak na magiging mahigpitan ang labanan katulad ng mga nakalinyang stakes races sa racing  festival.

Show comments