Wesley nakalapit sa titulo matapos makipag-draw kay Dutch GM Kampen

MANILA, Philippines - Nakipag-draw si Fili­pi­no Grandmaster Wesley So kay Dutch GM Robin Van Kampen sa isang 59-move ng Ruy Lopez duel para makalapit sa pag-angkin sa titulo ng 17th Unive Tournament sa Hoogeveen, Netherlands bagama’t may isang round pang natitira.

Naglaro sa itim na pi­ye­sa, isinakripisyo ng Filipino ace ang kanyang central pawn sa 29th move na nagresulta sa paglamang ni­ya kay Kampen.

Matapos makamit ang pawn advantage, na­bi­go pa rin si So na talunin si Kampen na nagresulta sa draw.

May 4.0 points nga­yon ang 20-anyos na si So, No. 40th sa buong mun­do, at nakatakdang ku­nin ang korona anuman ang maging resulta ng laro ni  top seed Michael A­dams ng England na may ave­rage rating na 2689 at nagdadala ng 3.5 points.

Ito ang ikalawang draw ni So sa torneo ma­tapos ipanalo ang una niyang tatlong laro.

Nauna nang kinuha ni So ang gold medal sa Uni­versity Games sa Kazan, Russia.

Nakatakda niyang la­ba­nan si Adams, may-ari ng pinakamataas na FIDE rating sa 2753.

Show comments