Cagayan tangkang magtala ng kasaysayan

LARO BUKAS

(The Arena, San Juan)

2 p.m. - Army vs Air Force (Battle for third)

4 p.m. - Cagayan vs Smart (Championship)

 

MANILA, Philippines - Mahigit isang dekada na ang Shakey’s V-League ngunit wala pang koponang nakaka-sweep ng kanilang mga laro tu-ngo sa pagkopo ng titulo. Wala pa ring koponan na nagkaroon ng ganitong pagkakataon.

Kaya sa pagharap ng Cagayan Rising Suns sa Smart Net Spikers bukas sa Game Two ng kanilang their best-of-three series para sa titulo ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa  The Arena sa San Juan City, may naghihintay na kasaysayan.

“May tsansa kami na makagawa ng history sa Linggo kaya kukunin na namin,” sabi ni Cagayan coach Nes Pamilar.

Iginupo ng Cagayan ang palabang Smart, 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12, sa series opener noong Martes na nagsel-yo ng ika-15th sunod na panalo ng Rising Suns at nangangailangan na lang ng isang panalo para makumpleto ang sweep na ngayon lang mangyayari sa Shakey’s V-League.

Ang deciding Game Three kung kakailanganin ay gagawin sa Oct. 27 sa The San Juan Arena o sa MOA Arena sa Pasay City.

Hindi pa iniisip ng Tropa ni Pamilar na may tsansa silang makapagtala ng ‘perfect season.’

“Honestly, we didn’t really expect to have this kind of streak because our mentality is just to play hard and go hard for a win every game. So most us, including myself, is not really thinking of a sweep, but to win a championship,” sabi ni Pamilar.

Show comments