Oladipo pinamunuan ang panalo ng Magic

DALLAS -- Kumolekta si rookie Victor Oladipo ng 12 points at 11 rebounds, habang iniskor ni rookie Manny Harris ang lahat ng kanyang 9 points sa fourth quarter para igiya ang Orlando Magic sa 102-94 preseason victory kontra sa Dallas Mavericks noong Lu­nes.

Naglista si Maurice Harkless ng 16 points para sa Ma­gic (1-2), kasunod ang 13 ni E’Twaun Moore, 12 ni Tobias Harris at tig-11 nina Solomon Jones at Kris Jo­seph.

Binanderahan ni Dirk Nowitzki ang Mavericks (1-2) mula sa kanyang 24 points, habang nagdagdag ng 16 si Monta Ellis.

Nagtayo ang Dallas ng isang 20-point lead sa first quarter bago nakadikit ang Orlando sa 72-73 agwat sa pagtatapos ng third period.

Tanging si Mavericks rookie Gal Mekel ang starter na pinaglaro sa fourth quarter.

Nagtala ang Orlando ng 10-of-17 fieldgoal shooting sa fourth quarter kung saan may isang three-point shot si Harris at naglista ng 6-of-6 sa free throw line.

Show comments