Sauler, Jarencio panauhin sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Pag-uusapan ang dalawang malalaking basketball events sa nagdaang linggo at ang bagong season ng United Football League (UFL) sa weekly session ng Philippine Sportswriters Association Forum na gagawin pansamantala ngayon sa Philippine Sports Commission (PSC) Athletes’ Lounge.

Ang mga coaches ng kasalukuyang UAAP men’s basketball finals sa pagitan ng University of Santo Tomas at De La Salle ay makakasama ng Philippine U-16 team na nag-runner-up sa katatapos lamang na FIBA-Asia U16 Championships sa public sports prog-ram na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at hatid ng Shakey’s at Philippine Amusements and Gaming Corporation.

Tatalakayin nina De La Salle coach Juno Sauler at ng kanyang UST counterpart na si Pido Jarencio ang inaabangang Game 3  sa Sabado sa  MOA Arena habang tatalakayin naman ni coach Jamike Jarin ang pagkampanya ng National youth team sa FIBA-World U17 Championships sa Dubai matapos mag-qualify ang mag Pinoy bunga ng  kanilang silver medal finish sa FIBA-Asia meet.

 Sina UFL media officer Jing Jamlang at marketing officer Coco Torre naman ang tatalakay ng bagong UFL season na nakatakdang magsimula sa Sabado.

Show comments