UAAP, boxing tampok sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Ang UAAP Final Four at ang paglahok ng bansa sa dalawang major international boxing meets ang tata-lakayin ngayon sa special session ng lingguhang PSA Forum sa Shakey`s Malate.

Si National University coach Eric Altamirano at star player Bobby Ray Parks kasama sina University of Santo Tomas mentor Pido Jarencio at deputy coaches ng Far Eastern University at De La Salle ang pangunahing panauhin sa public sports program para talakayin ang kanilang kampanya para sa finals berth sa Season 76 ng UAAP.

Dadalo rin sa session na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at hatid ng Shakey`s at Philippine Amusements and Gaming Corporation, si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson, na tatalakayin ang kampanya ng bansa sa  AIBA World Boxing Championships at Southeast Asian Games.

 

Show comments